That concludes Vice President Binay's speech. Follow Philstar.com for the full story.
"Ngayon ay namumuno sa oposisyon. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang sambayanang Pilipino!"
"At lalong hindi ko iiwanan ang ating mga mahihirap na kababayan. Ako po, ang inyong pangalawang pangulo si Jojo Binay, taas noong pinagmamalaki ang pagiging tunay na Pilipino sa puso at gawa at lagi ninyong kasama sa hirap at ginhawa."
"Sa mga kalaban ko sa pulitika, sinasabi ko sa inyo ngayon, kung ang layunin ninyo ay paatrasin ako sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016, nagkakamali kayo. Hindi ako umaatras sa laban."
"Kaya ko, kaya ko ang lahat ng ginagawa at gagawin pa nilang pagpapahirap sa akin. Ngunit hindi ko kayang tiisin na magpatuloy ang kahirapan na hinaharap ninyo sa bawat araw."
"Nagpapasalamat po ako sa ating mga kababayang nagpahayag sa mga survey sa kabila ng mga paninira, malaki pa rin ang tiwala nila sa akin. Sa ating mga mahihirap na kababayan, wag po ninyo akong alalahanin."
"Alam nila na marami sa kanilang kandidato ang hindi mananalo sa malinis at patas na halalan kaya gagamit sila ng maruruming paraan, sukdulang sila ay magsisinungaling, magwaldas ng pondo ng bayan, at magpatuloy sa paglabag sa batas."
"Mga kababayan, may hangganan ang pagtitiis ng isang tao. Tama na, sobra na! Bakit hindi nila ako harapin sa malinis na halalan?"
"Ang umiiral ay selective justice. Iba ang hustisya at benepisyo ng mga kaibigan at kaalyado ng partidong nasa kapangyarihan ngunit walang hustisya at walang maaasahang benepisyo para sa nakararami lalo na sa mga mahihirap."
"Samantalang alam naman nila na karamihan sa ating mga bayan at barangay ay umaasa lang sa IRA. Ito ang baluktot na hustisya at pamamahala ngayon."
"Habang ako at ang aking pamilya ay ginigipit at inuusig, hinahayaan naman nila ang maluwakang anomalya ng kanilang mga kasama at kapartido. Ang Disbursement Acceleration Program o DAP, ang Priority Development Assistance Fund o PDAF ng kanilang mga kakampi, kapartido at kaibigan, ang pangongotong sa MRT at ang masaker ng SAF 44 sa Mamasapano, hindi nila pinananagot ang mga opisyal na pumigil sa pagpapalabas ng 2013 Internal Revenue Allotment o IRA."
"Ngayon, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ako at ang aking pamilya ay pinagkakaisahang siraan, hamakin, gipitin, tanggalin bilang pangalawang pangulo at ipakukulong pa. Ito ay dahil ako ang pangunahing balakid sa kanilang pansariling ambisyon."
"Marami na akong pinagdaanang pagsubok. Ilang beses akong ikinulong noong panahon ng Martial Law dahil sa paglaban ko para sa kalayaan at demokrasya. Kahit pagkatapos ng 1986 EDSA Revolution, ilang beses akong ginipit at tinangkang patahimikin dahil patuloy akong lumalaban sa pang-aapi at pang-aabuso."
"Kasama ang mga feeling kaibigan at kapartido ng mga nasa pwesto."
"Ngunit sa aking pakikipag-ugnayan sa mga iba't-ibang lalawigan, ipinaaabot ng ating mga kababayan na hindi nila nararamdaman ang ipinagmamalaking kaunlaran. Ang nakikinabang sa pinagyayabang na pag-unlad ay iilan lamang."
"Nang ako ay inyong inihalal, ako ay nangako na magiging isang working vice president. At sa nakaraang limang taon tahimik akong nagtrabaho, nagsagawa ng reporma sa sektor ng pabahay at tinugunan ang daing ng ating mga OFWs."
"Mga kababayan, tinanggap ko noon ang alok na maglingkod sa kabinete dahil nais kong suklian ng tapat na paglilingkod ang tiwala ng sambayanan."
"Ito ang aking ipinaglalaban. Ito rin ang hangarin ng ating mga kababayan. Isang pamahalaang kabaligtaran ng manhid at palpak na pamahalaan ngayon."
"Isang pamahalaan na magbibigay ng pagkakataong guminhawa at umangat ang buhay ng mga mahihirap."
"Isang pamahalaan na nagbibigay ng epektibo at malawak na serbisyong pangkalusugan at edukasyon. Isang pamahalaang makatao, hindi manhid, at may malasakit kaninuman."
"Isang pamahalaang magpapairal ng hustisya at tahimik na pamumuhay, isang pamahalaang puspusang nagsisikap upang lumikha ng higit pang trabaho upang bigyan pa ng ginhawa ang matagal nang nagigipit na taumbayan."
"Hangad ko na magkaroon ang bansa ng maayos na pamamhala upang marami at hindi lang ang iilan ang makikinabang sa kaunlarang maaabot natin. Dapat magkaroon ng pamahalaang nakikinig at tunay na nagmamalasakit lalo na sa mahihirap."
"At lalong hindi ako papayag na alisin sa taumbayan ang pagkakataong na magkaroon ng isang pamahalaang tapat at mahusay na naglilingkod upang guminhawa ang marami."
"Hindi ako papayag na magpatuloy ang kawalan ng katarungan sa bansa. Hindi ako papayag na iilan lang ang magtatamasa ng benepisyong nararapat sa karamihan."
Here's the transcript of VP Binay's speech:
Thank you for following our live blog on Vice President Binay's speech.
Binay: Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang sambayanang Pilipino.
Binay: Hindi ako umaatras sa laban.
Binay: Sa mga kalaban ko sa pulitika, kung ang layunin ninyo ay paatrasin ako sa pagtakbo ko bilang Pangulo sa 2016, nagkakamali kayo.
Binay thanks his supporters despite the corruption allegations against him.
Binay: Tama na, sobra na. Bakit hindi nila ako harapin sa malinis na halalan? #2016polls
Binay claims being attacked by the current administration due to his presidential bid in 2016. #2016polls
Binay: Ilang beses ako nakulong noong Martial Law dahil sa paglaban ko para sa demokrasya.
Binay: Ang nakikinabang sa pinagyayabang na pag-unlad ay iilan lamang.
Binay: Nang ako ay ihalal ako ay nangako na maging isang working vice president.
Binay: Ito ang aking ipinaglalaban - Isang pamahalaang kabaligtaran ng manhid at palpak na pamahalaan ngayon.
Binay: Dapat magkaroon ng pamahalaang tunay na nag mamalasakit sa mahihirap.
Binay: Hindi ako papayag na na alisin sa taumbayan ang pagkakataong magkaroon ng isang pamahalaang tapat at mahusay.
VP Binay starts his speech.
UP Prof. Harry Roque, reportedly running as a senator under UNA, is present at the Coconut Palace.
Binay family and friends present at the Coconut Palace
Vice President Binay's speech was moved from 4:00 p.m. to 5:00 p.m.
Binay supporters dance at the Makati City Hall grounds in support for the vice president's speech in a few minutes.
Vice President Jejomar Binay's speech will start at 5:00 p.m.